Thursday, July 28, 2011

Seven Daggers


Ericson Acosta's "Pitong Sundang" series translated by Charlie Samuya Veric



First Dagger: Last Slash and Burn


Beforehand the neck, then the forehead, now it’s the mountain’s cowlick

that we are slashing and burning—our last slash and burn.


Have you heard the chatters of the greedy

that I long to hunt you down, execute despite the cries?


Raze, let’s smash, the bridges in an eye’s wink.

Make sure the firewood burns without fumes.


Teach the dogs to howl soundlessly.

And on the trail disguise the trap that we’ve laid.


It’s silly to insist on crossing the clouds

if this parapet is found and our trap is dismantled.


Let’s hold fast to our righteous daggers

though a veil of fog is our only shield.





Second Dagger: Table


We remember, we’re cracking

the coconut

and the birds go darting.


We remember, we’re cutting

breadfruits and jackfruits

and other gifts with sap.


We remember, we’re slicing

a mango’s face

or perhaps a basketful of rice cakes.


We remember, we’re slitting

the neck of the bound and what joy

the squirting blood provides us with.


We’re cleaving

into pieces this boa as big as an arm—

offerings to the sick and anxious.




Third Dagger: Perspective


At times we tried to see

how straight, even, and pointed

our dagger’s edge and spine were.

I aimed it at the sky one day

and like the archer of hornbills and sparrows

I shut my left eye.

Then something appeared in my crosshairs:

a dragonfly it seemed—massive and motorized.

A million daggers are melted to make it,

the people said, and it’s shit is fire.





Fourth Dagger: Journal


Misspelled

we carve the names

of the remembered and deeply loved

on the side of a tree

on canes

on conch shells and bamboo instruments

on coconuts and pots.

Misspelled, yes,

but touch them and they truly are

the unfortunate chronicles

in the gaps between these letters—

burrowing into calluses and nails

like scales, spleens, and gills.

They truly are these:

the orphaned; the befuddled;

the anxious and sleepless;

the murdered while asleep;

the felled because already awakened

and to others are the awakeners.


Misspelled

we carve each syllable

of our memories and prayers

on the open post

on stairs

on windows and tables

on bamboo benches and beds.

Misspelled but true

and no longer a trace

of lesions, scrawls, and smudges;

no longer a brief half-consciousness.

These are the solid sores

of our found nightmares:

ruptures on lips and palates;

naked wound on the face;

fresh cut on the forehead;

tear in the stomach of a mother

who devoured daggers

because there was nothing else to eat.



Fifth Dagger: Poem


And some of us dared

To carve the oath


on the breast of the cave.


Each word beating

in the lambent fire:

 

Forge

Steel

Fire

Punch

SHARP.

Sharp

Grip

Scabbard

Rope

DAGGER.

Dagger

Wretched

Step

Night

AMBUSH.




Sixth Dagger: Grindstone


After clearing and collecting wood for an afternoon

we gather

to sharpen our daggers.


In the remains of night on a lichened hill

beside a spring of crabs and snails

we gather

to sharpen our daggers.


Even then we have known

the mad curse brought

by deterioration and bluntness,

by dent and rust—


by unrelenting tolerance

for the greedy;


by pure pity for self-imposed misery

as the criminal condoles, rewards,

forgives, sings;


by doubting and thousand-fold indecisions

until blinded and crushed

from staring long at the flames;


by self-interest

when we’re all

floundering in the same mess—


thus we gather

to sharpen our daggers.


All night long if need be,

altogether, we steadily pare

each grindstone we find

till it cracks

under our sweat and destitution—

because we gather

to sharpen our daggers.


Till it’s likely to disguise

like swarming fireflies

the glint of our weapons,

we gather

to sharpen our daggers.


Till our weapons

make the air bleed,

we gather

to sharpen our daggers.


Till one of our children proclaims—


the naked and least of grandchildren from the wilderness;

the sickliest, most stolid and stuttering heir

of infinite void

and all sins.


“Tomorrow,” she says,

“the mass that shares our aim today

will match the number of cuts

on the master’s neck.”



Wednesday, July 27, 2011

Free The Artist! Free all Political Prisoners!



Footage from this video is part of a documentary to be released by the Free Ericson Acosta Campaign with the help of friends from Habi Arts USA.

PAHAYAG NI ERICSON ACOSTA SA APAT (4) NA ARAW NA FASTING NG MGA BILANGGONG PULITIKAL

Bilang nag-iisang bilanggong pulitikal dito sa sub-provincial jail ng Calbayog City, Western Samar, nais kong ipaabot sa lahat ng iba pang bilanggong pulitikal sa buong bansa na ako’y kaisa sa apat (4) na araw na fasting o pagliban sa regular na pagkain na nagsimula ngayon, Hulyo 22, at gagawin hanggang sa araw ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hulyo 25.

Kaisa rin ng mahigit 300 bilanggong pulitikal sa bansa ang mahigit 20 pang detenido pulitikal na narito, o mula rito sa Silangang Kabisayaan, kagaya ng mga NDF peace consultant na sina Eduardo Sarmiento na nasa Crame, at Jaime Soledad na nasa Leyte Provincial Jail; lider-pesante na si Dario Tomada na nasa Manila City Jail, sina Paterno Opo, at Felicidad Caparal; ang mga magsasaka na tinaguriang “Catbalogan 5”; at iba pa.

Noong 1994, bilang aktibista at editor ng Philippine Collegian, ay nakiisa ako sampu ng iba pang kabataang aktibista sa isinagawang hunger strike ng mga detenido sa pangunguna noon ni Donato Continente, na bago nabilanggo ay isa ring aktibista at myembro ng istap ng Collegian. Hindi ko akalain na gagawin ko muli ito ngayon habang ako na mismo ang nasa likod ng mga rehas.

Iba siyempre ang fasting sa labas, kaysa sa aktwal na fasting dito sa loob. Ang magtiis na hindi kumain nang mahusay ay laging mabigat na pasanin, halimbawa na lang para sa milyon-milyong mamamayan na araw-araw ay nagugutom nang dahil sa kahirapan. Pero sa tingin ko’y may kakaibang bigat ito para sa isang bilanggo, na sa araw-araw ay nagsisikap na panatilihing buo ang kanyang diwa. Ang pagkakait ng sustansya sa katawan ay mapanganib para sa maselang utak na dumaan na sa pagpapahirap, at anumang oras ay maaaring bawian ng bait. Ngunit matatag natin itong sinusuong dala ng ating paninindigang pampulitika, at mariing pakikiisa sa makatwirang panawagan para sa general, unconditional at omnibus amnesty para sa lahat ng bilanggong pulitikal sa bansa.

Hinahamon ngayon si Noynoy Aquino na gawing kongkreto ang kanyang “daang matuwid” – habang ipinapaalala sa kanya na ang kanyang mga magulang ay dinakila hindi lang dahil sa konting bato at konting semento, kundi dahil nagtangka silang maghawan at tumunton sa isang makatarungang landas sa loob ng kanilang tanang buhay. Ang kanyang ama mismo, si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr, ay namartir bilang isang bilanggong pulitikal at distyero, na minsan ay nagsagawa rin ng katulad na pag-aayuno upang bigyang-diin ang inhustisya sa ilalim ng diktadura. Nang maluklok sa kapangyarihan sa basbas ng sambayanang uhaw sa katarungan, isa naman sa mga unang hakbang ng dating Pangulong Corazon Aquino ang pagpapalaya sa daan-daang bilanggong pulitikal na nakaranas ng matinding panunupil at inhustisya sa panahon ng diktadura.

Isang positibong hakbang na nagawa ni Aquino ay ang pag-uurong sa asunto at pagpapalaya sa mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang “Morong 43” noong Disyembre, bagamat hanggang sa kasalukuyan ay may ilan pang nakabilanggo na kabilang sa naturang grupo ng detenido.

Bukod sa kanila, napipiit pa rin dito sa Samar ang mga magsasakang tinaguriang “Catbalogan 5;” sa Batangas, mayroong “Taysan 3” at “Talisay 3” kung saan kabilang ang mga kabataang gaya ni Maricon Montajes na mula rin sa UP. Kung kaya sa buong kapuluan, kung hindi ako nagkakamali, ay nananatiling nakapiit ang “Pilipinas 345” – at dito ako kabilang.

Kailangang tuluy-tuloy na igiit at ipaglaban ang pangkabuuan, pangkalahatan, at walang kondisyong pagpapalaya sa bawat isa sa mahigit 300 bilanggong pulitikal na ito. Dapat itong seryosohin ng kasalukuyang rehimen bilang rekisito sa pag-usad ng mga usapang pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno at ng NDF gayundin sa MILF, na inaasahang maglalatag ng mga batayan para sa pag-iral ng tunay na katarungang panlipunan at ng isang makatwiran at pangmatagalang kapayapaan sa ating bayan.

Pagkat kung pakaiisipan, gaya na nga ng minsang nabanggit ni Donato Continente, ang buong lipunan ay nagsisilbing bilangguan ng mamamayang patuloy na naghahangad ng tunay na kalayaan at demokrasya. Kaya bukod sa ating panawagang palayain ang 345 bilanggong pulitikal sa buong bansa, nananatili nating tungkulin ang pagpapalaya sa 99% ng mamamayan mula sa panunupil at kahirapang ating kinasasadlakan habang nananatiling mala-kolonyal at mala-pyudal ang lipunang Pilipino.

Pahabol!

Kinukuha ko na rin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa mga kasamang bumubuo sa Artist’s Arrest at Guerilla Productions para sa aktibidad na isasagawa sa Martes, Hulyo 26 bilang suporta sa kampanya para sa aking pagpapalaya.

Bilang kapwa-artista at manggagawang pangkultura, saludo ako sa sigasig na ipinamamalas ng mga kasama sa Artist’s Arrest na nagsimula sa panahon ni Arroyo. Sa pangunguna ng mga kaibigang artista, institusyon at organisasyong pangkultura mula sa Timog Katagalugan, ay epektibo itong naka-ugnay, nakapagpakilos at nakalikha ng iba’t ibang pangkulturang proyekto at aktibidad. Nakita ko mismo kung paano komprehensibong tinatanganan ng mga kasama sa rehiyon ang gawaing pangkultura, laluna nang minsang makasalamuha ko sila noon sa isang palihan bilang tagapagsalita.

Isa sa mga aktibong bahagi ng Artist’s Arrest, ang grupong Southern Tagalog Exposure, ay higit natin ngayong kilala sa pagbe-breyktru at pagmamaksimisa sa midyum na awdyo-biswal sa paraang aktibista. Ang kanilang serye ng maiikling pelikula na pinamagatang Rights, sa partikular, ay proyektong katangi-tangi pagkat nakapagpakilos ito ng makabuluhang bilang ng mga tanyag at kabataang filmmaker, habang epektibo nitong napukaw ang mas marami sa pamamagitan ng matapang na pagsasalarawan sa malawakang paglabag sa karapatang pantao sa bansa sa panahon ng Oplan Bantay Laya I at II ni Arroyo.

Ngayon hinaharap natin ang Oplan Bayanihan ni Aquino. Binibiktima pa rin nito ang karaniwang mamamayan pagkat patuloy itong nakatuntong sa di-makatarungang batayan. Pero sa inyo na nakagagagap sa tunay na pakahulugan ng “bayanihan,” maraming salamat. Maraming salamat sa mga banda at artistang sasalang sa Martes. Marahil kahit ilan sa kanila ay hindi ko pa personal na nakikilala, alam kong kayo ay kaisa ng lahat sa paghahangad ng isang lipunang tunay na malaya.

PADAYON!


Ericson Acosta

Bilanggong Pulitikal, Hulyo 22, 2011

Ikapitong Sundang: Piring




Ikapitong Sundang: Piring


ni Kalvin Kiel Sangalang


Narito akong sadlak sa ligoy ng aking pandamang
Nagiisip kung anong susunod sa ligaw ng laman
Tiklado’y upod na sa pagbaka ng isip sa bulsang
Hindi kilala ang mga titik na iniluluwal.
‘Di ba’t lahat ay inaani ng walang kamalayan?
Ang kahalayan ay higit pa sa iniluwang kaning
Inaani ng kasamang wala ngayon sa bukirin
Nang itin’wid ang likod, palad ay kinuyom- mahigpit
Hindi lang sa kanila may armas at ambang hagupit
Bangis ng punla’y tumatarak sa matang nakapikit.

Ikapitong Sundang: Eklipse


Ikapitong Sundang: Eklipse



ni Jack Alvarez



‘…ay hinulugan na ng buwan ng sundang at ngayo'y sinisikap buksan ang sariling tiyan para isolo do'n ang kanyang si Aliw - dahil do'n lang makakatiyak ng kaligtasan ang isang bata, sa tiyan ng kanyang ina!’


-Sinipi mula sa Buwan, Buwan Hulugan Mo Ako ng Sundang ni Lualhati Bautista.


Tagu-taguan, matalim ang sundang

Tagu-taguan, mga desap di na mabilang

‘Sang selda mo gusto?’ ang bulong ng halimaw

na naka-camouflage. Kulay-alkitran ang balintataw.

Ngumisi.

At hila-hila ang nakaposas na lalaki.

Inuuod ang kanyang ngipin.

Dilang serpente. Bitbit armas na M-16.

Kinukuto.

Ang bulok na sistema ng kanilang kulto.


Sumilip sa rehas ang isang detenadong yakap ang sundang

upang masilayan ang mukha ng kanyang inang nasa buwan.

Kusang mangalaglag ang bulalakaw

At maglalaho pagdating ng halimaw.

Karimlan.

Sapagkat ikinubli niya sa dibdib ang sundang

Magsisindi ng apoy sa langit

Na maglalagablab ang init.

Susunugin.

Ang bawat pahina ng kanilang sinasaulong panalangin.


Tagu-taguan, hulugan mo ako ng sundang

Tagu-taguan, bubuksan ko ang aking tiyan

Bulag ang buwan at mga bituin

Nilamon ng halimaw ang kanilang ningning.

Eklipse.

Maghahalakhakan ang mga tikbalang at kapre

Gagapang ang duguang preso

Ibubulong ang orasyon at mga berso

Ng muling paglalayag

Sintahimik ng paglalaho ng liwanag

Sundang.

Akin na at wawasakin ko ang kanilang pinagkukutaan.



Friday, July 15, 2011

Mensahe para sa Haranang Bayan 3 at Free the Artist Solidarity Night


MENSAHE

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa iba’t ibang sektor at organisasyon sa pagsusustini ng kampanya para sa aking pagpapalaya gayundin para sa iba pang bilanggong pulitikal o political prisoners o PPs.

Nagpapasalamat ako pagkat dalawang grupo ng mga kasama na nasa magkabilang dulo ng mundo ang nagsasagawa ng aktibidad sa araw na ito (Hulyo 13) bilang suporta sa kampanya. Nagsimula akong maging seryoso sa aktibismo sa Philippine Collegian at sa Alay Sining, at ngayon sila ang nangunguna sa aktibidad na Haranang Bayan. Sa The Netherlands, mayroon ding Free the Artist Solidarity Dinner na inihanda ang Rice and Rights Network for Human Rights in the Philippines. Maraming, maraming salamat sa mga kasama para sa mga inisyatibang ito.

Nakatataba ng puso na malaman na sumusuporta rin sa kampanya ang mga kasama mula sa iba’t ibang panig ng bansa, at iba’t ibang dako ng mundo, halimbawa na lang ang mga kapwa-artista at kasama na dumalo sa International Conference on Progressive Culture na pumirma bilang suporta para sa aking agarang pagpapalaya.; gayundin sa mga kasama sa International League of People’s Struggles na nagtibay ng resolusyon para sa pagpapaplaya sa lahat ng bilanggong pulitikal sa Pilipinas.

Isang napakalaking hamon para sa rehimeng Aquino ang patunayan ang sinseridad nito sa pagtunton sa panlipunang katarungan, at kapayapaang nakabatay sa hustisya na ipinagkait sa mamamayan sa nakaraang siyam na taon sa ilalim ng kinamumuhiang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo. Dapat panagutin ang mga maysala laban sa mga biktima ng ilegal na detensyon, na napatunayan sa kaso nina Jonas Burgos, Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Isa rin sa magpapatotoo sa sinseridad ng rehimen pagdating sa isyu ng karapatang pantao at usapang pangkapayapaan, ay ang paghahain ng general at unconditional amnesty para sa lahat ng bilanggong pulitikal, isang hakbang na ginawa ng kanyang ina nang magtapos ang diktadurang Marcos.

Samantala, ang magagawa naman ng mga tulad kong detenido ay ang panatilihing buo ang aking diwa at magpatuloy sa gawaing pampulitika habang nasa loob ng piitan.

Matagal ko nang binabalak na sumulat sa iba pang PP’s para makapagsimula ng palitan o correspondence sa kanila at makalikha ng isang support group ng mga PP na kahit magkakahiwalay ang lugar ay nakapag-ugnayan, nakapagbahaginan ng karanasan at nakakapagpa-abot ng suporta sa bawat isa. Pwede pa nga na ang ilan sa mga correspondence o liham na ito ay maisapubliko sa internet. Paumanhin lang kung hindi pa ako nakakatapos ng kahit isang sulat.

Nakatanggap ako ng kopya ng mga tula ng kapwa-PP na si Ka Edong Sarmiento at tinatapos ko ang isang rebyu ng mga ito. Tiyak akong bukod kay Ka Edong ay marami pang kasalukuyang mga PP ang may mga akda na nagawa sa loob ng kulungan. Mungkahi kong may magkolekta ng mga ito at maaaring magamit para sa isang antolohiya. Ngayon dahil wala pa akong mga matinong tula na naisulat dito, magboboluntaryo na lang ako na mag-edit ng compilation o magsulat ng intro o pambungad.

Natanggap ko ang kopya ng CD ng Prison Sessions na inilulunsad ngayon sa Haranang Bayan. Iminumungkahi ko rin na gawin nina Nato o ng iba pang grupo ang pakiki-jam sa iba pang PPs at magrekord ng kanilang “prison sessions.” Si Ka Edong halimbawa na nasa Crame ay alam ko na may mga "malupit" na mga daliri sa gitara --sa Pulang curacha at sa Rock n’ Roll. si Ka Randy Malayao naman na nasa Cagayan Valley ay may totoong baritone na nakakatindig- balahibo.

Tutal ang tema ngayong gabi ay harana, ibabahagi ko na rin ang mga liriko ng isang kanta na matagal ko nang naisulat, mga bandang 2006 pa yata. Binalak ko itong maging isa sana sa mga PADEPA hymns na pwedeng kantahin bago at pagkatapos ng pampulitikang edukasyong masa. Na-jam na namin ito ng ilang kasapakat sa Acosta Universe pero sa iba’t ibang kadahilanan ay di namin agad naipalaganap sa kabila ng pag-apruba ng ilang kasamang nagsuri sa awit. Ngayon, pagkat patuloy ang aking gawaing pampulitika sa loob ng kulungan ay saka ko lang naaalala at nabalikan itong kanta. Magmumungkahi rin pala ako ng mga babasahin para sa mga kakosa. Samantala, heto na nga ang kanta:


ANG ATING PAARALAN


UNO..DOS..... TRES...PADEPA


SA ABANG BARUNG BARONG NI INAY AT NI TATAY

O SA LIHIM NA LILIM NG PUNONG MALABAY

AY LAGING BUKAS, BUKAS NA, BUKAS NA.

ANG ATING PAARALAN

PAMBANSA DEMOKRATIKONG PAARALAN


WASTO NATING SURIIN ANG ATING LIPUNAN

KASAYSAYA'T UGAT NG APING KALAGAYAN

AT ANO KUNG GAYON ANG TANGING SOLUSYON

ANO NGA BA ANG IBIG SABIHIN NITONG REBOLUSYON?


SA LANSANGA'T LIWASAN, SA BULWAGA'T LOOBAN

SA PULANG TARANGKAHAN NG MGA PAGAWAAN

AY LAGING BUKAS, BUKAS NA, BUKAS NA

ANG ATING PAARALAN

PAMBANSA DEMOKRATIKONG PAARALAN


MGA PATAKARAN, MGA PANININDIGAN

PAARALANG TAPAT AT GAWIN SYANG SANDIGAN

MARAHAS ANG DAAN TUNGONG PAGBABAGO

PA’NO NGA BA MAGING TUNAY NA REBOLUSYONARYO?


SA TANGLAW MAN NG ARAW O ANDAP NG GASERA

TIYAK ANG PAGSULONG NG ATING PADEPA

PADEPA PADEPA PADEPA PADEPA

MAY PADEPA KAHIT SA LOOB NITONG SELDA

MAG ARAL TAYO


(sa Ilokano) Ag-adal tayo

(Sa Bikol) Mag-adal kita

(Winaray) Mag-aram kit

(sa Kapampangan?)

(Sa Hiligaynon?)

(Sa Cebuano?)

(at sa iba pang dialekto, lenggguwahe)


MAG ARAL TAYO UPANG BAGUHIN,

UPANG BAGUHIN ANG MUNDO.


Kailangan ninyo akong dalawin dito para malaman ninyo ang tono nito. Syempre pinakamainam pa rin na kantahin natin ito kung saan hinalaw ang inspirasyon sa paglikha – sa lilim ng puno, sa abang barung-barong, sa pagawaa’t lansangan kung saan makakapiling ko muli kayong lahat balang araw. Pero sa ngayon, kailangan munang maging mariin ang ating panawagan: BILANGGONG PULITIKAL! PALAYAIN! NGAYON NA!


Ericson Acosta

Calbayog sub-provincial jail

Hulyo 2011

Monday, July 11, 2011

Ikapitong Sundang: Pansindi


Ikapitong Sundang: Pansindi


ni Teodoro Felixberto


Ubos na ang posporong pali-palitong nasasayang

Sa pagsisindi sa iisang kandilang natutunaw

Sa gitna ng kuwarto, parisukat at sarado

Walang pintua’t abandonado

Samantala sa labas ay mga naglalambadang kapitbahay

Kasiyaha’t kaguluhan, kalaswaa’t kabanalan

Mahangin at maalinsangan

Lalo na sa lansangang nakakurus sa riles

Napupuno ng hagibis.


Pagdaka’y may dumating. Isang matandang ubanin

May dala-dalang lamparang sa sandali’y ibinaba

Sa madamong paligid ng bahay na may kandila

Sa burol. Hinunot ang maso sa tagiliran

Buong pusong ginawan ng pintuan ang bahay

Iregular na butas na masisilipan

Ng naghihingalong lalaki ng kandila

Labis nahihirapan, lawlaw na ang mukha’t

Parang inapakan.


“Anak,” bulong ng matanda. “Sa labas mo naman

Sindihan ang iyong kandila.”


Sinindihan. Sinindihan hindi na gamit ang posporo.

Gamit niya ay papel na isinuplong niya

Sa lampara ng matanda.

Napanday ang huling sundang.

At ang apoy ay masuyong inilapat sa mitsa ng

Kandilang halos mitsa na lang.

Namatay ang lalaki. Pinarangalan siya

Sa pagbibigay liwanag sa buong karimlan

Ng la tierra pobreza.