Wednesday, July 27, 2011

Ikapitong Sundang: Piring




Ikapitong Sundang: Piring


ni Kalvin Kiel Sangalang


Narito akong sadlak sa ligoy ng aking pandamang
Nagiisip kung anong susunod sa ligaw ng laman
Tiklado’y upod na sa pagbaka ng isip sa bulsang
Hindi kilala ang mga titik na iniluluwal.
‘Di ba’t lahat ay inaani ng walang kamalayan?
Ang kahalayan ay higit pa sa iniluwang kaning
Inaani ng kasamang wala ngayon sa bukirin
Nang itin’wid ang likod, palad ay kinuyom- mahigpit
Hindi lang sa kanila may armas at ambang hagupit
Bangis ng punla’y tumatarak sa matang nakapikit.

No comments:

Post a Comment