Wednesday, May 25, 2011

WELCOME VISITORS v.3.2


(Ikalawa sa tatlong bahagi)

Basahin muna ang unang bahagi



At ito rin ang hindi maunawaan at ipinagdurugo ng ilong ng mga nagtapon sa akin sa kulungan. Ano kaya’t isang beses ay silipin ako rito ng kung sino man sa aking mga interogador sa gitna ng aking paglalampaso? Maaari itong umiling-iling at mamasa pa nga ang mga mata sa sinserong pagkahabag sa aking kinasadlakan. Maaari nitong ulitin ang isa sa naging koro nila sa loob ng aking 44-oras na interogasyon:

“Sayang ka, matalino ka pa naman at may pamilya.”

“Sana’y maki-cooperate ka na lang sa amin.”

“ Sa amin ka na lang sana nagtrabaho.”


Maaari ko itong sagutin ng: “Ang pakikipagsabwatan sa pasismo ay malayung-malayo sa katalinuhan.” Pwede ring: “Walan saysay ang talino kung ito’y hindi para sa tunay at makatarungang pagbabago sa lipunan.” O ng: “Ang pamilya ko’y ang laksang anakpawis.” Pero hindi na lamang. Sisipulan ko na lamang ito ng Awit ng Peti-B o di kaya ng Curacha Mayor habang winawalis-tingting ang tubig na naipon sa isang bahagi ng sahig papunta sa kubeta.

O maaaari nitong kalampagin ang mga rehas, umalulong, halakhakin ang sa tingin nito’y s’ya nang pinakahuling halakhak at magsabing:

“ ‘Yan ang dapat sa kagaya mong kriminal – ang mabulok kasama ng mga kapwa mong walang-pag-asa-sa-buhay at katulad mong kriminal!”


Hindi ko na ipagtatanggol pa ang sarili at pwedeng magsalita na lamang para sa mga kakosa: Ang mga kosa ay wala pa sa kalingkingan ng mapamwersang aparato ng estado, ng malalaking panginoong maylupa, burgesya kumprador at dayuhang imperyalista kung kriminalidad lamang ang pag-uusapan. At ang pag-asa ng mga bilanggo at ng buong sambayanang bilanggo sa bulok na sistemang malapyudal at malakolonyal ay nasa bagong demokratikong rebolusyon. Pero kahit hindi na. Aalukin ko na lamang ito, pwede pa siguro, ng bahaw. O kaya’y hihingan ng dos pambili ng chlorine.

Pagkatapos ng mahigit isang oras kong paglilinis kanina, biniro ko ang mga kakosa na kung pwede’y palakpakan naman nila ang bago nilang buyonero. Nagtawanan sila at kinantyawan ako na huwag daw makalapit-lapit sa kanila dahil sa panggigitata ko sa pawis, uling at sapot ng gagamba – dahil mabango lamang daw ako nang bahagya sa pusali o mabahong hininga.

Pakapamaligo ay inanyayahan ko ang mga kosa para sa isang group discussion. Layon kong ipagpatuloy at bigyan ng mas buong itsura ang nasimulan ko nang putul-putol at paisa-isang mga kwentuhan tungkol sa mga sirkumstansya at pangkalahatang mga dahilan at konteksto ng aking pagkakabilanggo. Magsisilbi ito gayundin, bilang porma na rin para sa akin ng panlipunang pagsisiyasat at pagsusuri sa uri sa isang napakabagong tereyn at milieu na kakarampot pa lamang ang aking kaalaman.

Wala akong inihandang partikular na plano sa daloy ng diskusyon. Wala akong pisara (o yung nakasanayan ko nang gamitin bilang blackboard – itim o dark green na cartolina). Pwede sana ang isang maitim na bahagi ng ng kongkretong pader pero wala naman akong chalk. Pero nakakatuwa – mabilis na gumulong ang palitan ng mga opinyon at sa paglinga-linga ko’y nasa mga pader lamang din pala ang iba’t ibang tulong-biswal na mabisa naming magagamit.

Ang isang kalendaryong may tradisyunal na lay-out, halimbawa, ay naging tuntungan ng paksa ng problema ng mga magsasaka. Libre lamang na ipinamamahagi tuwing Enero ang mga kalendaryong gaya nito na may tatak ng pangalan o ngalan ng kumpanya ng komersyante ng mga produktong agrikultural gaya ng kopra, abaka at mais. Pero kalendaryo lamang ba talaga sa katapus-tapusan ang kapalit para sa magsasaka ng buong taong pambabarat, pandaraya, at pang-uusura sa kanila ng mga komersyanteng ito, na karaniwan ding mga panginoong maylupang naniningil ng di-makatuwirang upa mula sa mga tenante kada anihan?

Isang kupas na poster naman ng kandidato para sa senador ang nagpasimula sa usapan tungkol sa isang matingkad na larawan ng burukrata kapitalismo. Hindi na maalala ng mga kosa kung anong taon tumakbo, nanalo o natalo ang pulitikong nasa poster. Hindi na rin nila matandaan kung sino sa mga nakalaya nang kosa ang nagdikit nito sa pader, o ang nagdrowing ng pangil at sungay sa imahen ng senatoriable – makulit na nagturuan ng kani-kanilang suspek ang mga kosa kung sino ang nagpakana sa napakatumpak-sa-katotohanang kapilyuhang iyon. Ang natatandaan nila nang buong linaw ay ang naganap na mga barilan tuwing eleksyon sa pagitan ng mga partido pulitikal mula pa noong ang bawat isa’y wala pa sa wastong edad para bumoto. Nayamot na nang tuluyan ang isang kosa sa mararahas na mga alaalang ito kaya’t tinuklap na niya nang buung-buo ang poster.

“Walang papalag,” sabi niya. “Sa basura na ’to dapat.”

Bibo, mabilis at matalas ang mga kosa. Sa gitna ng huntahan tungkol sa dayuhang kontrol sa ekonomiya, halos patalon na nagbida ang isang halos 50 anyos nang kosa at pinagtuturo ang mga piktyur sa ilang pahina sa isang makintab na magasin na nakapaskil din sa pader:

“Ito, ito, ito,” sabi niya. “Galing sa mga kahoy sa Matuguinao at San Jose de Buan ang ginamit sa mga muwebles na ito ng mga Amerikano.”

Ang tinutukoy niya ang mga aparador, sala set, katre at pintuan sa bedroom at living room showcase ng magazine catalogue ng kumpanyang Wickes, na may iba’t ibang tema o “inspirasyon” gaya ng “Arlington,” “Somerset and Christchurch,” “Lugano,” at “Santa Barbara.”

“Hay naku,” sabat naman ng isang kosa. “Idinikit ko ang ‘yang mga ‘yan d’yan sa may uluhan ko para naman kahit sa panaginip ay makahiga ako sa mga kwartong ‘yan. Dahil sa totoong buhay ay neber-neber ‘yang mga ‘yan at hanggang sa papag at karton lang.”

“Pero,” sagot ko bigla, “mangangarap tayo nang mulat, nakatindig at lumalaban.”

Sa loob-loob ko – ang bilis n’un, ha! Walang mayor na ibinawas ang dagok ng ilang araw na interogasyon sa kalistuhan ng isip, at baka nga nadagdagan pa.

Dumiretso na ang talakayan sa pangangailangan para sa malawak at militanteng pagkilos ng
mamamayan para sa tunay na demokrasya, kalayaan, kaunlaran at kapayapaan. Magsasanga-sanga pa ito sa mga kagyat at partikular na mga isyu gaya ng korupsyon sa burukrasyang militar, sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin, at maging sa mga kaganapang pulitikal sa mga bansa sa Gitnang Silangan.

“Alam mo," sabi sa akin ni Kosa R, “marami pala kaming matutunan sa’yo.”

“Pwede,” sabi ko.

“Pero ako man ay marami na ngang natutunan mula sa inyo.”

At sadyang napakatotoo nito.





---------------------------
dibuho ni Boy Dominguez

Wednesday, May 18, 2011

WELCOME VISITORS v.3.1


(Una sa tatlong bahagi)

( I wrote this piece – or let’s say 95% of it – on the night of February 17, according to my very first notebook. This has been literally embedded deep in the jungle of notes that has outgrown two notebooks in just a week. I thought at first the paragraphs were just like most of my very early detention red blues – ponderous, unwieldy, and thus un-shareable. I was surprised months later to find it – like some oriental fruit pruned to a sandy, candy kind of sweetness over time – coherently whole, complete and quite sensible.)


Kung sisilipin paloob ang selda dos mula sa tarangkahan, at kung hindi makilos o kung nakahiga lamang ang mga kosa, malamang na ang unang makakatawag ng pansin ay ang pader na ganito ang nakasulat: WELCOME VISITORS MERRY CHRISTMASS AND HAPPY NEW YEAR BSL22 HAPPY ANNIVERSARY.

Sa dulong kanan ng pader – mga isa hanggang isa’t kalahating hakbang mula sa higaan ko – ay ang CR ng selda. Mga binukang sako lang ng NFA rice ang parehong dingding at pintuan ng kasilyas na ito na sa tantya ko ay may sukat na 3 ½ x 3 ½ talampakan. Wala itong gripo at ang inidoro’y karaniwang nakikipaghalinhinan sa drainage sa sahig sa pagkabarado. Gabi-gabi, nililinis ito ng isang itinakdang kaselda na kung tawagin ay buyonero.

Kasama sa trabaho ng buyonero ang paglampaso sa kalakhang bahagi ng 4 x 8 metrong sahig ng selda na kadalasa’y basa at nagpuputik. Palaging nagbabaha sa isang sulok nito dahil dito lamang din naglalaba, habang sa isa pa ay nagkalat naman ang abo mula sa dalawang lutuang de-uling (minsa’y kumbinasyon ng katiting na uling, kahoy, karton at lumang maong ang panggatong.)

Dahil sa as mula sa lutuan, gabi-gabi ay kailangang punasan ng basang basahan ang mga pader. Kailangan ding linisin ang ‘sandipang estante ng mga kaldero at pinggan na sa hapon ay punung-puno na ng mumo, tinik, plastic ng ni-repack na toyo, suka at mantika, balat ng bawang at sibuyas, at di-naitapong hasang at bituka ng isda.

Tuwing umaga ay may dagdag pang mga toka ang buyonero. Bandang alas-sais, ililipat niya sa sako ang laman ng latang basurahan para iabot sa taga-kulekta ng basura sa labas. Alas syete, kukunin niya ang rasyong mga isda para sa lahat ng kaselda at aalisan ito ng hasang at bituka. Sa pagitan ng alas-dyes at alas-dose ng tanghali, ipag-iigib niya ang buong selda – labingtatlo kaming lahat sa selda dos at bawat isa ay may dalawang balde para sa tubig pampaligo, panghugas at pangluto, at isa pang container ng Wilkins (dalawang galon) para sa inumin.

Hindi naman sana ganoon kahirap ang pag-iigib. Itinatapat lang ang balde sa isang imbudo na nakasabit sa tarangkahan at may iba nang magbubuhos ng tubig mula sa labas. Isa hanggang tatlong hakbang lang bubuhatin ang punng mga lalagyan para maikamada sa ilalim ng mga tarima. Ang problema ay ang pagtagas ng tubig kapag sumusobra ang pagbuhos sa imbudo; kailangang habulin at agapang hindi makagapang ang tubig sa ilalim ng mga tarima dahil may mga kahon ng damit at ibang gamit na nakasalansan doon. Problema rin na marami sa mga balde ang tapyas na ang ibabaw at wala nang matinong hawakan, kaya’t mas mahirap buhatin at hindi maiwasang bumulwak ang tubig mula sa mga ito, bagay na dagdag na naman sa panlilimahid ng sahig.

Kahapon, unang araw ko rito, ang pinakahuli sa oryentasyong ibinigay sa akin ng isang trustee ay ang tungkol sa mga gawaing ito. Matagal nang patakaran sa Calbayog sub-provincial jail na ang itinatalagang buyonero sa bawat selda ay ang pinakabagong preso. Ibig sabihin, ako iyon kung sa selda dos hanggang wala pang ipinapasok na inmate kasunod ko. Pero ang sabi sa akin, maaari akong makaiwas sa trabahong ito, lalu’t mukha raw namang kakaiba ang kaso ko, depende na sa mapagkakasunduan ng mga taga-selda.

Inisip ko ang taga-linis na papalitan ko. Siguro’y may kung ilang linggo o buwan na rin siyang nananalangin na may dumating nang bagong kosa at nang may humalili na sa kanya. Pihadong dagdag na kamalasan na naman niyang ituturing kung mangyaring ang pinakhihintay niya – na umugong na sa compound na kung ’di man aktibista ay rebeldeng kumander – ay makakaligtas lang pala sa paglilinis at pag-iigib.

Isang konsiderasyon din siyempre ang pangangailangang mapangalagaan ang imahe ng aktibista. Mahirap kung maipagkamali rito na ang mga kagaya ko, na nag-iingay laban sa mga nagpapasasa at nabubuhay lamang nang dahil sa pawis ng iba, ay ganun na lamang din pala kabilis kung tumalilis sa pagbabanat ng buto.

Kaya sabi ko, “Hindi ho, wala hong problema – ako na ho ang buyonero.”

Kagabi at kaninang umaga ay demonstrasyon lang muna. Hindi maitatago ang galak sa mukha ni Kosa R habang itinuturo niya sa akin ang episyente at hakbang-hakbang na proseso ng pagbubuyon at pag-iigib. Nang ako na mismo ang nagtatrabaho, bandang alas otso kanina pagkatapos ng hapunan, halata ng mga kakosa na hirap pa ako at nangangapa. Pero tumutok pa rin naman sa tabi ko si R para sa dagdag na mga instruksyon, gabay at tip. Napakahusay na guro ng kosang ito.

Isang napaka-makabuluhang pag-ikid ang sa tingin ko’y nakukumpleto ngayon. Mula sa dating pagpupunas ng sariling sinukahan sa sahig ng Kule o kung saan mang sirkulo inabot ng magdamagang inuman; hanggang sa kung ilang paghuhugas sa pwet ng mga gusgusin subalit marikit na mga paslit dahil nataong abala ang kanilang mga magulang kung di man sa paghawan sa kaingin ay sa pagdalo sa pulong ng samahan o kooperatiba ng maralitang magbubukid; hanggang dito ngayon sa pag-iis-is sa abang inidorong dinuduraan , iniihian, tinataehan, tinatamuran ng tinaguriang mga patapon at pusakal.

At ang pag-ikid na ito’y hindi pabulusok o paurong. Walang duda, sabihin pang batbat ng salimuot, ito pa rin ay paimbulong, pasulong – isang diyalektikal na progresyon, isang kumulatibong proseso ng pagkatuto, pagpapatatag at pakikihamok.


(Itutuloy...)

Sunday, May 15, 2011

May 13 Statement

I would like to extend my gratitude once more to friends, colleagues and human rights advocates who have untiringly sustained the call for my immediate and unconditional release from prison.

I would also like to thank and commend the Free Ericson Acosta Campaign for the due attention that it has given to the plight of other forgotten political prisoners such in Region VIII, particularly the “Catbalogan 5”Noel Galvez, Simon Gabijan, Jesus Bacnotan, Loreto and Beatriz Gabuay – five ordinary farmers who were illegally arrested and detained by the 8th ID virtually as sacrificial lambs for its setbacks with the NPA.

As I now mark the third month of my unjust detention, I call on Rep. Mel Senen Sarmiento to initiate a congressional investigation, along with the Chairman of the House Committee on Justice, Rep. Niel Tupas, who happens to be my contemporary at the UP Political Science Department. It is not just the Acosta case that I urge them to look into, but also that of the “Catbalogan 5” and other recent human rights abuses perpetrated by the 8th ID.

While we are all furious over the recent CHR report practically absolving the AFP in the abduction and torture of activist Melissa Roxas, I challenge the young human rights lawyers of the local CHR-8 to prove their still untainted idealism and independent-mindedness by promptly conducting an impartial investigation on the Acosta and Catbalogan 5 cases.

I appeal to the Catholic bishops led by the Most Rev. Archbishop Jose Palma, to condemn all the recent abuses by the military in Eastern Visayas. It is also important that the FEAC and other human rights groups seek the cooperation of the Church sector in reviving the cases of military atrocities committed during Gen. Jovito Palparan’s stint as 8th ID commanding general. Archbishop Palma was a staunch leader of a broad anti-militarization campaign in the islands of Samar and Leyte which eventually led to the expulsion of Palparan from the region in 2005. Sadly, however, none of the human rights violators of the so-called Palparan period in the islands has ever been prosecuted.

I ask civilian authorities especially the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) personnel in charge of my current place of detention not to be cowed by military pressure and dictates to enforce unreasonably strict rules as regards my right to send correspondences to family, friends and legal counsel and to issue public statements and appeals. I would have to thank the jail officers of the Calbayog sub-provincial jail for the professionalism they have so far demonstrated in treating the growing number of my visitors and in handling the increasing volume of written communication that I have been sending and receiving. In the event, however that undue restrictions are imposed, I urge the FEAC to respond at the soonest possible time.

Lastly, I call on the people of Bay-ang to hold on fast and stand up for the truth. I urge them not to be silenced or to be used as false witnesses against me but to militantly withstand the threats and harassment from the 8th ID. The seemingly ceaseless military atrocity and brutality that they have gone through have tempered them in the struggle against fascism. It is also in barrios like Bay-ang where real democratic political power is emergent. The difficulties are all quite obvious, just as it is clearly expected of us to carry on the fight.

Padayon!

Ericson L. Acosta

Political prisoner

Calbayog sub-provincial jail

May 13, 2011

Tuesday, May 10, 2011

RESBAK



(Last of two parts)

Resbak. I liked how he put it. The kosa not only gave the street slang such a surprisingly apt communal take, but he spiked a certain militant, no-nonsense edginess to it as well. It actually struck me like some earnest tribal wisdom. If we would only humbly allow it, we could always learn great things from the masses; with resbak, I found myself mouth agape doing a double take.

At any rate, I threw Kosa D a stinging high-five, confident that he and the kosas fully understood my report: that an otherwise loose but conscious community of urban intellectuals -- writers, artists ad cultural workers -- has found common urgent cause in defending -- indeed in coming out to resbak behind – one of its own.

Yet prior to my illegal arrest and detention, I had long and pretty much accepted that, for all its intents and purposes, I had already been a rather obscure, almost estranged member of this community. This had been a consequence among the many trade-offs, so to speak, in choosing to work fulltime in the anti-feudal, anti-fascist and cooperative movement of poor peasants and farm workers in the countryside.

Being uprooted from one’s immediate and familiar milieu was, in fact, a sacrifice of considerable weight. I would, quite naturally in the beginning, spend sleepless nights in that proverbial tug-of-war somewhere within the petty-bourgeois quarters of the self. But all around me, the sheer realness, the undeniable concreteness of an utterly backward and god-forsaken rural world transforming itself into a bulwark of all-round social change would just as soon prove to be too much of an irresistible pull.

There was romance to it too, of course, and as a poet, nothing of the earthy images of ricefields and barefoot children, nor the primal sounds of crickets and crows ever escaped me. There would be times, however – and these I think were moments of lucid self-appraisal – when it seemed as if I had somehow escaped poetry.

The countryside is not just a series of poignant images. It is, rather, a burning vision of class conflict and chaos as it is, at the same time, a clear and wide vista to an otherwise elusive genuine peace. It is not just a chorus of natural sounds – the fury of war escalates and resonates in high fidelity, even as the sure rhythm of emancipation ascends and becomes a most contagious beat. The countryside is a whirlwind and I had great difficulty finding the time to pull myself aside and render its movement in the most precise and powerful poetic language that it ultimately deserves.

More plausibly though it was not time alone that I had not enough of but simply the faculty and even the drive to pull it all off. It was a humbling realization – one of so many, in fact, that I certainly owe to the countryside – to learn that I was still quite far from being the dexterous and passionate revolutionary poet that I had once believed myself to be.

I had gone to the countryside not solely out of youthful passion anyway and definitely not just for the muse. More compellingly and in the first place, it was because a scientific knowledge of and attitude to society and history had told me to do so.

Red hymns and marches that so romantically exalt the toiling masses as a social and political force all sound true and beautiful precisely because the mass line is one of history’s most scientific propositions. Agrarian revolution, the peasant war, more than just a source of great literature, are all part of an entire and ongoing historical project which, according to concrete analyses of concrete conditions, is absolutely necessary and highly realizable even within my lifetime. The countryside is at the heart of an applied social science of the highest kind, the goal of which is food on every table and an unprecedented humanity that may just allow for, among other things, a more universal enjoyment of poetry.

In a very comprehensive way, the countryside indeed, was too much of a pull that soon, its far-flung villages, the emergent bastions of real democratic political power, would become my immediate and familiar milieu; soon, work would become home.

I would of course at times imagine myself – and even plan about it methodically – showing up unannounced at some gathering somewhere in Manila where friends and erstwhile colleagues would all be in attendance for old time’s sake. But the ever-present demands of work and some other related considerations seldom offered me the chance. I just had to content myself with those few, very rare small-group reunions where I had managed to sort of sneak into over the years. There were no letters that I could now remember; online communication could always be cursory and somewhat awkward (lingering, lurking a group’s thread I found too stalkish and voyeuristic); text messages were almost exclusively for red-letter days. And so, it’s just so incredibly awry and ironic for me, really, that it took a fascist act of the state to fling me back to the full mainstream consciousness of my former peers and erstwhile community.

Now I think the AFP never quite accurately anticipated how far this community would respond. They may have even arrogantly underestimated the sharpness of reason, the firmness of conscience that writers and artists are just too capable of articulating in the face of patent injustice. I guess the AFP and other concerned state agencies would now have their hands full as it is not just me in particular that the community is standing and doing the resbak for, but the rest of the country’s hundreds of political kosas and the thousands more who have fallen victim to various forms of state repression and terror.

U2’s Bono has a rather fancy sounding Irish equivalent to resbak’s community spirit. He once used the word “meitheal” to rally European business and civil society around his largely philanthropic and utopian campaign to end poverty and hunger in Africa. I have yet to research on the Irish peasant roots and context of meitheal which I’m sure it has, but what I’m fairly competent with right now is tiklos and aglayon – the Winaray terms for mutual aid and farm labor exchange. Both are at the forefront of the production cooperative movement of poor peasant associations which has long served as indispensible counterpart to the militant campaigns to distribute land, reduce land rent, raise farm workers’ wages, eradicate usury, and end all other forms of feudal and semi-feudal exploitation.

This very same cooperative practice in production and rural economy is called luyo-luyo in the Bicol provinces. In the Tagalog regions, it’s either suyuan or the more commonly known bayanihan. It is this kind of militant, collective struggle that has slowly but surely, been moving genuine land reform forward, independently of and fundamentally opposite to the state’s deceptive programs in confronting the country’s centuries-old agrarian problem.

It is this bayanihan movement of the masses that is, in fact, the main target of the current militarist “counter-insurgency” design to which the regime, for obvious demagogic reasons, has appropriated the exact communal name. I don’t know where I stand chronologically, statistically, but surely the list of human rights violations (HRVs) under the Aquino’s Oplan Bayanihan is growing each day and in increasingly alarming pace, brutality and impunity. It was my last job to comprehensively document military atrocities in Barangay Bay-ang in San Jorge, Samar, before I myself became an entry in the HRV roster. It is this tragic irony, I believe, beyond my being a writer and artist, that has given the community the clearest reason and the most urgent motive to call for my immediate and unconditional release.

To all my resbaks and those of other political prisoners, to all those who realize the true unadulterated meaning of bayanihan, I extend my gratitude straight from the heart. The poet Saul Williams’ heart, as he had it printed once on his shirt right in the middle of the chest, was the African continent. I’m thinking we could actually start a fad by printing or embroidering the Philippine archipelago upside-down on T-shirts to symbolize the heart of the people yearning for justice in a social system gone topsy-turvy; or this could, in fact allude to the historical task of the masses to invert the so-called social triangle. But I feel I’m just stalling the end of this jailhouse blog entry. What I’d like to say finally is that my heart, more than ever, has taken the shape of an unyielding clenched fist.



---------------

paintings by Boy Dominguez

Thursday, May 5, 2011

April 19: RESBAK

(First of two parts)


No moment further could we have wasted

I gave the orders, my men assaulted.

It was all over in half a minute –

The bag of crackers we all have finished.



It was only last year that I was introduced to Axel Pinpin’s prison poetry and I must say I was blown away. I told myself, that’s the way to do it. I wonder what he’d make of this pitiful poem above, my very first under detention and also in eight months. I wish Ka Axel could write me a letter and just tell me exactly how he did it. Here’s the story, meanwhile, behind the bag of crackers, and more.

It has become a ritual of some kind for about a month now. Every time I would re-enter the cell coming from the dalawan, I would, at some imagined exact moment, give the kakosas the GO, and just like that, selda dos becomes a mosh pit. The kosas would spring from their tarimas straight into the narrow and slippery aisle, and in a few seconds of heavy, potentially injurious banging and grabbing would all try to outmuscle each other just to get a piece of my pasalubong – hopia, mani, (no, not popcorn) but it’s usually that jumbo bag of pork crackers or chicharon. They would so uninhibitedly – almost desperately – get themselves involved in the ruckus that you’d think famine had just hit Calbayog City.

But they would all be so in it not exactly out of any urgent, gnawing hunger. The idea, rather, is simply to shake off numbness; or in a highfalutin sense, to assert a more real existence. Buryong, self-pity, or any of limbo life’s damning feelings can be such a formidably creepy adversary, that to give it a good fight would at times require a coming together of some pent-up raw energies or whatever is left of each one’s juvenile compulsions. It’s a collective kind of tripping basically, which the kosas resort to however spontaneously; especially when individual diversions or coping schemes such as crafting flowers out of plastic straws, reading the bible, or even masturbation seem to have already reached their numbing and damning levels themselves.

The brawl over chicharon, however, is only the ritual’s pasakalye. As soon as the melee subsides, we would set ourselves up for our brief daytime educational discussion (ED). From primal adrenalin surge to political analysis – an outrageously sudden shift really, but it gives you an entire range already of human and social possibilities; try to think of it in reverse and you’d find yourself contemplating history and revolution.

We have previously set our EDs at night owing to the oppressive heat during the day. But since the third week of March, when access to materials on current issues became more regular through the efforts of my visitors, we have found a way to maximize a few minutes in the morning or in the afternoon for short sessions of balitaan. Last week, for example, it was about the Marcos burial at the Libingan ng mga Bayani issue; and the commemoration of International Earth Day, which both had a very pronounced angle of human rights. This morning, my visitors brought me an envelope containing copies of statements and messages read during last April 15’s launch of the Free Ericson Acosta Campaign (FEAC), and so I thought of giving the kosas a FEAC progress report.

First up was the FEAC press release entitled “Artists, Journalists, Academe Call for Release of Detained Cultural Worker.” I was just starting to paraphrase it in Filipino when Kosa R politely interrupted:

“Ka Eric,” he said, “Ingles ba ya’ng nakasulat d’yan o Tagalog?”

I told him it’s in English, and he at once followed up with, “OK, sige basahin mo ‘yan sa amin sa Ingles.”

A back story is here needed. Yesterday, I was lying in my tarima trying to re-read Elmer Ordonez’ essay “Dissent and Counter-Consciousness in the Academe” from the book Serve the People (which was sent to me by Renato Reyes, Jr. on day three of incarceration). Extreme heat and buryong made for this strange impulse which suddenly pulled me to sit up and pushed me to read the essay out loud and in Shakespearean flourish. I finished the act and it felt as if I was relieved of something. I was a bit concerned though that the kosas, my audience and all, might think that I had finally flipped out.

But no, they were just so amused, smiling and all praises for what they thought was a splendid performance. They asked me, in fact, to do another one. I thought it was definitely all about Hollywood; it was some aural cinematic enjoyment that they experienced hearing someone, a kakosa at that, sound so convincingly, authentically Anglo-American. I told them maybe next time.

This morning, I found it necessary to oblige to a belated encore. The impromptu plan was to read all the English statements first before I translate or explain them. I read the FEAC press release and I thought it really sounded like Liam Neeson in Schindler’s List. This sort of gave me a boost, and so in reading the rest of the statements, I thought I could do some conscious character-pegging.

I delivered the fiery CEGP statement of support, “A Definition of Fascism,” with Samuel Jackson in mind, particularly in his “righteous vengeance” monologue in Pulp Fiction. The brief message from Baguio of the panelists and fellows of the 50th UP National Writers’ Workshop I did in Jude Law fashion. It was screaming Hollywood all throughout. But no matter, I thought I really had their attention.

In fact, by then selda uno, selda tres and selda cinco had all joined in the audience (although only the kosas from selda cinco could see me since it’s the cell opposite that of ours). I also saw a group of pasilyo boys (inmates who are allowed from time to time to roam around inside the compound) peeking in from the corridor.

It was the most opportune time to balance things out, I thought as I began explaining in Filipino, the contents of what I had just read. I guess I gave a good account of myself in my attempt to exude that distinct militant flare of a 1990s Nathaniel Santiago. The pauses were particularly effective and in one of them, an obviously agitated kosa from selda tres shouted, “Palayain si Ka Eric!”

The proud stage-kosas of selda dos gave the loudest applause. The heat was as harsh as the high noon sun of Liwasang Bonifacio – it all felt like Mayo Uno.

There were two more messages, both in Filipino, which I decided to present in style as well. The one from the Kilometer 64 Poetry Collective I approached with the plebeian stance of Pen Medina. Rody Vera’s definitely gave me the goosebumps as I read it, imagining how Tito Rody himself would do it in Rajah Sulayman.

What we just did in fact – from Neeson to Vera – was basa-talakay, a rather dated and usually perceived to be boring form of educational discussion. But this one certainly was a blast.

Finally, I updated the kosas about my legal defense fund. I told them that a poetry group called High Chair had donated to it recently after a successful sale of their publications. Another group of artists, the Neo-Angono, had done the same by holding an art auction.

Kosa R said, “Ang dami mo palang pasasalamatan.”


Definitely, I told him, as I pulled out from the envelope a long list of supporters who had signed up for the FEAC.

Kosa D took the list from me. He looked at it intently. I knew he was not reading. He actually can’t. We’re still working on it though; he’s one of my students in our on-and-off literacy class in the cell. What Kosa D was doing was counting the lines on the list which filled up three sheets of long bond.

“Ganyan,” he finally said, “dapat marami ang resbak at nagkakaisa.”


(to be concluded…)

Tuesday, May 3, 2011

WELCOME VISITORS v.2.3

(Ikatlo sa tatlong bahagi)

Simulan muna ang Welcome Visitors v.2.1

Pero kung nangyari noon na may seryosong nag-imbita sa akin para sumapi ako sa anumang aktibistang organisasyon, hindi ko sana siya tinanggihan. Subalit ni isa ay walang lumapit sa akin ni nagpahiwatig. Nang lumaon, tinanong ko ang ilang mga kasama kung bakit walang nagtangkang ugnayan ako sa mas maagang panahon.

May mga nagsabing nag-alangan lang marahil ang ilan sa maaaring impresyon ng kayabangang dala ng aking asta at aktitud. Ang iba naman ay nag-akalang dati na akong organisado mula sa kung saang lugar o panahon dahil madalas naman nila akong makasalubong sa mga porum at napanood pa nga nila sa “Sa Sariling Bayan,” isang dulang anti-bases ng UP Rep noong 1990. May mga nagtarget din daw na reklutahin ako pero may mahahabang patlang na hindi nila ako mahagilap. Mangyari’y sa yugto nga ring ito’y may ilang panahong nagtrabaho ako sa ABS-CBN bilang writer sa Wanted TV Patrol.

Mas tahasan ang sagot ng iba: hindi talaga pinaprayoritisa sa pagrerekrut ng mga aktibista ang kagaya kong may reputasyong maingay, ma-ere, magnanakaw ng libro sa library at bookstore, walang-hiya kung makipagharutan sa mga bakla, lulong sa alkohol at sumusuka kung saan-saan, at parang gumagamit ng drogang pampabilis at pampabagal.

Sa pagpasok ko sa kolehiyo ay mabilis akong nakaintegra sa marami at magkakaibang sirkulo. Isang sirkulo lamang ang mga ka-kursong intelektwal. Iba pa ang mga kakilalang aktibista. Isang sirkulo ang mga nakatrabaho ko sa mga dula. Iba pa ang sa mga visual artist at potograpo. May barkada ako ng mga anak-anak ng mga pulitiko na pagpupulitiko rin ang ambisyon. May barkada ako ng mga Tsino na nag-uumpisa nang magtayo ng negosyo bilang paghahanda sakaling manahin nila ang negosyo ng magulang nila. May barkada akong mga de-kurbatang opus dei at may barkada akong mga makukulay magbihis na kasapi ng komunidad ng mga gay. May basketball team ako. May banda ako. Kasama ko sa disco ang sosyal na mga coňo. Kasama ko sa pub ang mga fratman. Kainuman ko ang mga makata at mga nagtatrabaho sa NGO. Ka-jamming ko hindi lang mga gitarista, kundi pati mga driver at cameraman.

Bawat araw, pumasok man ako sa klase o hindi, hihintayin ko ang gabi at susubuking pagkasyahin ang mga susunod na oras para suyurin ang kung ilang gimik ng mga sirkulong ito na kakayanin sa loob ng magdamag o kahit hanggang ituloy pa sa susunod na umaga bago mananghalian lalu na kung tatapat sa Sabado o Linggo.

Napakarami kong enerhiya sa katawan. Sobrang enerhiya. Bunsod marahil ng napakarami’t samu’t sari ring bagay, larangan ng gawain, hilig at pagkakaabalahan na pinilit kong sunud-sunod kundi man sabay-sabay na diskubrihin, bigyang pansin at pagpursigihan. Sobrang enerhiya at kapangahasan gaya ng tipikal na kabataang rebelde, lagalag, adbenturista. Sobrang enerhiya at imahinasyon gaya ng tipikal na bohemyong artista. Sobrang enerhiya at paghahangad ng masasayang gabi na sa malao’t madali’y dudulo sa makapal na lambong ng depresyon.

Masisipa ako sa orihinal kong kolehiyo, at gayundin sa lilipatan matapos lang ang isang semestre. Magreresayn ako sa trabaho bago pa ako idispatsa. Pagsasarhan ako ng pinto ng isang propesor at tutuya-tuyain niya ang aking persona sa harap ng mga kaklase habang tulala akong nakaupo sa pasilyo dahil sa tama. Itataboy ako ng ilang sirkulo dahil mahirap na akong kausapin. Hahabulin naman ako ng iba pa dahil sa utang. Ilang beses akong ihahagis palabas ng mga inuman sa sobrang kalasingan. Dadamputin ako ng pulis dahil sa panggugulo sa dormitoryo ng nililigawan. Minsan makakaabot ako sa Laguna; minsan hanggang Baguio at walang pamasahe pauwi. Matututunan kong matulog sa perpetual adoration chapel ng mga simbahan kung walang mauwian sa madaling araw. Makikipagpaluan ako ng tubo sa isang punk concert. Susuka ako ng dugo.

Nakakapagod ang ganitong depresyon. Ang karaniwan kong pahinga ay ang pagpunta sa library pagkagising ng mga ala-una ng hapon. At dito magbabasa ako nang magbabasa. Magbabasa ako tungkol sa sound engineering. Magbabasa ako tungkol sa typography at teknolohiya ng printing press. Magbabasa ako ng mga katalogo ng archeological artifacts. Magbabasa ako ng mga direktoryo at sensus. Magbabasa ako ng malalaking art portfolio ng maestrong mga pintor at eskultor. Magbabasa ako ng mga dulang Maoista. Magbabasa ako ng mga kritisismong pangkultura at pampanitikan. Magbabasa ako ng mga prosang Sobyet. Magbabasa ako ng mga pilosopong Aleman at Pranses. Magbabasa ako ng mga dyornal sa antropolohiya. Magbabasa ako ng mga dyornal sa pulitika at relasyong internasyunal. Magbabasa ako ng mga antigong pahayagan sa microfilm. Magbabasa ako tungkol sa kasaysayan at taktikang militar. Magbabasa ako tungkol sa Marxismo.

May nakapagsabing ang pagbabasa kong ito’y hindi iba at bahagi pa rin ng aking pagti-trip. Maaari. Basta’t payapa ang pakiramdam ko sa bulwagan ng mga libro at magasin. Malay kong ipinaplasta sa matrix ng kasaysayan ang iba’t ibang tema at naratibo ng mga binabasa. Kagyat kong tangka na masapol ang kabuluhan ng mga paksain sa kani-kanilang partikular na mga konteksto at gayundin sa pangkalahatang balangkas ng pangkasaysayang proyekto ng sosyalismo.

Maaaring pagti-trip pa rin nga lamang ang intelektwal na ehersisyong ito pero malaki ang naitulong nito di lamang sa pagbibigay sa akin ng panandaliang apirmasyon na may kabuluhan pa ako sa lipunan, kundi maging sa paglalatag ng pundasyong teoretikal na aktwal kong magagamit sa hinaharap.

Ang tiyak na pagti-trip ay ang pagnanakaw ko ng isa hanggang tatlong libro kada labas ko ng library. Sa gayon, solb na ‘ika nga ang hapon ko at handa na namang muling suyurin ang gabi ng mga gimik.

Isang beses na papasok ako ng library, tinawag ng isang paskil ang aking atensyon: may eksam sa araw ding iyon para sa gustong maging manunulat Philippine Collegian. Hindi na ako nag-library at dumeretso na sa opisina ng Kule para kumuha ng eksam. Hindi ko naisulat lahat ng sanaysay na hinihiling sa eksam dahil nainip na ako sa lagpas isang oras na pagsusulat, at dahil kinailangan ko na ring umalis agad para pumunta sa isang nakaiskedyul na maagang inuman. Matapos ang isang linggo ay nagulat na lamang ako at nabasa sa Kule na ako pala ay nakapasa.

Napansin ko agad ang mataas na lebel ng efficiency ng staff ng Kule sa kabila ng krudo kundi man mala-bahay nitong opisina. Madali akong nahila sa isang parehong mature at magaslaw na kulturang intelektwal; sa kanilang animo’y pariwara subalit disiplinadong pagkamalikhain at paghuhusga sa mga bagay-bagay. Lalapat, babagay ito sa maraming aspeto ng aking espiritu o sa kinikimkim na paghahangad na ‘ika nga’y magkaroon ng “metodolohiya ang aking kahibangan.”

Bagamat magpapatuloy ang dating mga gawi sa ilan pang panahon, ang nabanggit ko nang kontekstong pulitikal sa loob ng pambansa-demokratikong kilusan ng mga taong 1994 ang magpapakita sa akin ng pangangailangang mas malalimang siyasatin ang sarili tungo sa isang pag-igpaw. Mas tuwiran ko ring makikita sa mga aktibista ang malalim, tapat at mapagpakumbabang katalinuhang hindi lamang hinuhugot sa mga libro kundi sa aktwal, programado at kolektibong praktika sa mapagpalayang kilusan.

At walang duda, ang tuwirang paglahok sa buhay at pakikibaka ng masang anakpawis sa lungsod man o sa nayon, ang nagbibigay sa akin ng lakas upang patuloy na igpawan ang pagsulpot o pag-atake ng ilan pang nalalabi sa mga dating gawi at kahinaan, gayundin upang pangibabawan ang kahirapan at mga sakripisyo na kaakibat ng pagiging isang aktibista.

Kaya tama si Nato – 1994. Pero may mali pala si Nato. Wala akong isinulat tungkol sa Eraserheads at Yano noong hindi pa sila sikat. Sina Bomen Guillermo ‘yun at si Mike Ac-ac. Isinulat ko ang E’heads noong rumururok na sila. Ang ni-rebyu kong album nila sa Manila Times ay ang Circus na siya na yatang pinakamahaba kong artikulo na nailathala para sa dyaryo – isang buong broadsheet page. Sikat na rin noon ang Yano nang gawan ko ng write-up para sa Kule ang isang mayor nilang gig sa Club Dredd na ang tema ay anibersaryo ng EDSA I. Ito rin ang pinakamaikling rebyu na naisulat ko sa buong buhay ko – isang solitaryong political punk na pangungusap.

May mali rin pala si Sarah Raymundo. Ang binabanggit niyang pinangunahan kong kantahin ng UP contingent sa makasaysayang mobilisayong anti-bases noong 1991 ay hindi “UP Naming Mahal” kundi “Bayan Ko.” May nakapagsabing ang mga patlang o ilang di-eksaktong tagpo sa alaala ay may ipinapahiwatig na kalusugan ng ating subconscious. Gusto kong maniwala rito para lamang sabihin na maging ang laylayan ng kamalayan ni Propesora Raymundo ay talagang may katalasan sa pulitika. Ang kilusang kabataang-estudyante ng UP ay hindi mahihinuha kung hindi kikilalanin bilang isang kilusang patriyotiko. Kaya’t ang “UP Naming Mahal” at “Bayan Ko” sa ganitong saysay, ay pawang iisa ang ispeling.

Mula Pebrero 13 ay maraming sumulpot na mga bagay na maaaring magkakalapit ang baybay pero sadyang may kahirapang ispelengin: San Jorge at George (ako ito sa ilang kaibigan); Bay-ang at Ang Bayan (ito raw ang ipinunta ko sa Samar sabi ng militar – totoo ito pero hindi otomatikong ang pahayagan na may ganitong pangalan); Gandara at granada (mga pasabog na kasinungalingan ng 8th ID); at marami pang iba.

Kaya’t kailangan ko ang tulong ninyo – CHRISTMASS ba talaga?


(Tapos!)

larawan ng UP Main Library mula sa internet

larawan ng martsa ni Boy Dominguez