Thursday, April 28, 2011

Ikapitong Sundang...


Ang naunang posts ay ang pinakabago kong mga tula. Pito sana ang tula sa seryeng ito na nasimulan ko noon pang Agosto, kaya may pamagat na "Pitong Sundang". Tungkol ito sa mga magsasakang setler sa bulubundukin, kaya naisip kong gamitin ang kanilang pantrabaho -- ang sundang -- upang mag-ugnay sa mga metapora ng serye.

Ang ikapitong tula ay halos nabuo ko na, pero napasama na roon sa laptop na kinuha sa akin ng militar. Hindi ko na makayang buuin pa ulit.

Kaya ganito na lang ang gawin natin: sinumang indibidwal, o anumang grupo na interesadong tumula ay inaanyayahang gumawa ng sarili nilang "ikapitong sundang."

Hindi na rin kailangang maging istrikto o matapat sa nauna kong naratibo o tema ukol sa mga setler, dahil maaari namang bahagi na rin lang ang mga setler sa binubuong talinhaga na umiikot sa "sundang." Maaari kayong pumili ng anumang tema, persona, mga indibidwal o sektor bilang mga tauhan, basta't maitururing itong "rurok" batay sa pangkalahatang diwa ng serye.

Pwedeng ipadala ang mga ito sa email (freeericsonacosta@gmail.com) o bilang reaksyon (comment) sa dito sa post na ito. Sa comments, maaari din ninyong ipahayag ang inyong saloobin ukol sa mga tula, talakayin ang porma at nilalaman, at pati na rin ang aktwal na mga panlipunang isyu na kaakibat ng mga ito.

Sige, hasain na natin!

1 comment: