Unang Sundang: HULING KAINGIN
Dati’y leeg, naging noo, ngayo’y puyo na ng bundok
ang ating kinakaingin— ang ating huling kaingin.
Naririnig na ba ninyo, kaluskos ng mga hayok
na nais kitang tugisin, sa tangis mandi’y lusawin?
Sibakin, baklasin natin, mga tulay sa ‘sang iglap.
Tiyaking ang gagatungin, walang asô kung dumiklap.
Mga aso ay turuang tahimik na umalulong.
Sa landas nama’y tabunan ang latag nating patibong.
Sadyang hangal maggumiit na dun sa ulap tumawid
kung mabunyag itong muog at bitag nati’y malansag.
Tumangan tayong mahigpit sa sundang nating matuwid
kahit lambong pa nga’t hamog ang tangi nating kalasag.
First Dagger: Last Slash and Burn
Beforehand the neck, then the forehead, now it’s the mountain’s cowlick
that we are slashing and burning—our last slash and burn.
Have you heard the chatters of the greedy
that I long to hunt you down, execute despite the cries?
Raze, let’s smash, the bridges in an eye’s wink.
Make sure the firewood burns without fumes.
Teach the dogs to howl soundlessly.
And on the trail disguise the trap that we’ve laid.
It’s silly to insist on crossing the clouds
if this parapet is found and our trap is dismantled.
Let’s hold fast to our righteous daggers
though a veil of fog is our only shield.
No comments:
Post a Comment