Thursday, April 28, 2011

Ikalawang Sundang: HAPAG


Ikalawang Sundang: HAPAG


Alaala natin, binibiyak natin

ang niyog

at nabubulabog ang mga tamsi.


Alaala natin, tinataga natin

ang kamansi at langka

at iba pang alay na may dagta.


Alaala natin, hinihiwa natin

sa pisngi ang mangga

o ang sambilao kaya ng sinukmani.


Alaala natin, ginigilit natin

sa leeg ang tinali at anong aliw

ang hatid sa atin ng tilamsik ng dugo.


Ngayon tinatadtad natin

sa kung ilang piraso ang gabrasong sawa—

iniaalok sa may dinaramdam at nag-aalala.





Second Dagger: Table


We remember, we’re cracking

the coconut

and the birds go darting.


We remember, we’re cutting

breadfruits and jackfruits

and other gifts with sap.


We remember, we’re slicing

a mango’s face

or perhaps a basketful of rice cakes.


We remember, we’re slitting

the neck of the bound and what joy

the squirting blood provides us with.


We’re cleaving

into pieces this boa as big as an arm—

offerings to the sick and anxious.

No comments:

Post a Comment