Ika-anim na Sundang: GABUD
Matapos maghawa’t mangahoy maghapon
tayo ay nangagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang.
Sa labĂ ng gabi sa malumot na burol
sa tabi ng bukal ng talangka at kuhol
tayo ay nangagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang.
Noon pa man ay atin nang batid
ang hibang na sumpang hatid
ng pingas at purol,
ng gibang at kalawang—
ng walang-taning na pagpapaubaya
sa hindi nagsasawa sa pag-angkin;
ng wagas na pagka-awa sa sariling pagka-ulila
habang nag-aabuloy, nagpapabuya,
Nagpapatawad at umaawit ang salarin;
ng pagdadalawa, pagdadal’wang-libong-isip
hanggang mabulag na’t malupig
sa tagal ng pagkakatitig sa apoy;
ng pagkakanya-kanya
gayong iisa lamang naman
ang kinakampay na kumunoy—
kaya’t tayo ay nangagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang.
Magdamag kung s’yang dapat,
sabay-sabay, walang-humpay nating pinupudpod
ang lahat ng mahawakang gabud
hanggang malusaw nang lubos
sa pawis natin at tangis—
pagkat tayo ay nangagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang.
Hanggang sa kaya nang magpanggap
na ‘sangkawang alitaptap
ang kinang ng ating mga tabak,
tayo ay nanagagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang.
Hanggang sa kaya na ng ating mga talim
na ang hangin ay paduguin,
tayo ay nangagtitipon
upang hasain ang ating mga sundang.
Hanggang mangusap ang isa sa ating mga anak—
ang hubad at pinaka-abo sa mga apo ng ilaya;
ang pinaka-ubuhin, tuod at utal na tagapagmana
ng malawak na kawalan
at lahat ng pagkakasala.
“Bukas,” wika niya,
“kung ilan tayo sa ating balak ngayon,
s’ya ring dami ng tarak
sa leeg ng panginoon.”
______________________
* GABUD - batong panghasa ng sundang.
Sixth Dagger: Grindstone
After clearing and collecting wood for an afternoon
we gather
to sharpen our daggers.
In the remains of night on a lichened hill
beside a spring of crabs and snails
we gather
to sharpen our daggers.
Even then we have known
the mad curse brought
by deterioration and bluntness,
by dent and rust—
by unrelenting tolerance
for the greedy;
by pure pity for self-imposed misery
as the criminal condoles, rewards,
forgives, sings;
by doubting and thousand-fold indecisions
until blinded and crushed
from staring long at the flames;
when we’re all
floundering in the same mess—
thus we gather
to sharpen our daggers.
All night long if need be,
altogether, we steadily pare
each grindstone we find
till it cracks
under our sweat and destitution—
because we gather
to sharpen our daggers.
Till it’s likely to disguise
like swarming fireflies
the glint of our weapons,
we gather
to sharpen our daggers.
Till our weapons
make the air bleed,
we gather
to sharpen our daggers.
Till one of our children proclaims—
the naked and least of grandchildren from the wilderness;
the sickliest, most stolid and stuttering heir
of infinite void
and all sins.
“Tomorrow,” she says,
“the mass that shares our aim today
will match the number of cuts
on the master’s neck.”
No comments:
Post a Comment