Monday, January 2, 2012

Isang Minutong Katahimikan

Prison Sessions 3: Isang minutong katahimikan (Ang kabuuan) by natoreyes

"Isang Minutong Katahimikan" is a song about extra-juducial killings and impunity, written by Ericson Acosta in prison. This version of the song was completed after the first studio recording done in November 2011. This was recorded during Ericson's hunger strike last December 6, 2011.

Isang Minutong Katahimikan (Ang kabuuan)

Capo 2nd Fret

Intro
C--

Refrain

C
Sa gitna ng pagtatalumpati
G
Ng nagdadalamhati
C G F G
Ay may panawagan sa lahat ng kaibigan
C G F G
Isang minuto ng katahimikan
C G F G
Isang minuto ng katahimikan

(Pause)
Em
Narinig ko
G C
Ang pagpatak ng luha sa dahon ng makahiya
Em
Narinig ko
G C
Ang paglukso’t pagaspas ng ulilang langaylangayan
Em
Narinig ko

Ang panghihinayang ng ama sa anak
G C D
Na ibinuwal nang walang kalaban-laban
Em
Narinig ko
C G
Narinig ko

II
(same chords)
Sa gitna ng pagtatalumpati
Ng nagdadalamhati
Ay may panawagan sa lahat ng kaibigan
Isang minuto ng katahimikan
Isang minuto ng katahimikan

At narinig ko
Ang buntong-hininga na nagpalangitngit sa kawayanan
Narinig ko
Ang pahayag ng pakikiisa ng mga kuliglig
Narinig ko
Ang pagmamalaki ng ina sa anak
Na hanggang sa huling hininga ay lumaban
Narinig ko
Narinig ko

Interlude
III
At narinig ko
Ang pagbuhos ng ilog sa lawa at sa dagat
Ang paghampas ng alon sa bato sa mga baybayin
Ang takot sa dasal ng maysala pagkat
Dumarami pa ang mga lumalaban
Narinig ko
Narinig ko

C-G (2x)

Coda 1
Em G C
Na---ririnig ko sa bawat pusong nagluluksa
G
ang yabag ng laksa
Em C
Nagbababala
Em G C
Naririnig ko sa bisig ng api’t dalita
G
Ang pintig ng digma
Em C
Rumaragasa

Coda 2

Em G
Narinig ko na ngayun pa lang
C
O kay bigat ng pagguho
Em
Ang muhon at pader
G
Ang Palasyo’t karsel
C Em
(Guguho, guguho, guguho)
G
Narinig ko na ngayun pa lang
C
O anung tapat na pangako
Em
Na sa ating lakas
G
May paglayang wagas
C D
(Pangako, pangako, pangako)
Em G C
Oooh
Em-C-G
May pawagan sa lahat ng kaibigan
Kinabukasan ng kapayapaan




Video of studio version, performed by Pochoy Labog of Dicta License/Malay:

No comments:

Post a Comment