Ika-apat na Sundang: TALÂ
Sablay man sa baybay
inuukit natin ang pangalan
ng mga inaalala at sadyang minamahal
sa tadyang ng malabay
sa tungkod na yantok
sa budyong at tongatong
sa bagol at palayok.
Sablay sa baybay, totoo,
subalit salatin at silang-sila rin
ang sawing salaysayin
sa siwang ng mga titik na ito—
sumasaludsod sa kalyo at kuko
gaya ng kaliskis, palikpik at hasang.
Silang-sila nga ang mga ito:
silang ulila; silang tulala;
silang balisa at di makatulog;
silang habang nahihimbing ay kinitil;
silang ibinuwal pagkat pukaw na
at sa iba ay nanggigising.
Sablay man sa baybay
inuukit natin ang bawat pantig
ng ating pag-aalala at dalangin
sa haliging liyad
sa hagdanan
sa bintana’t hapag
sa uluhan ng papag na higaan.
Sablay sa baybay subalit totoo
at di na lamang bakas
ng daplis, kurit o gurlis;
di na lamang alimpungat sa sansaglit.
Lantay na latay na ang mga ito
ng ating kinamulatang pangamba:
singaw sa labi at ngala-ngala;
hubad na hiwa sa mukha;
sariwang taga sa puyo;
wakwak sa sikmura ng ina
na nagsubo ng sundang
pagkat sadyang wala nang maisubo.
Fourth Dagger: Journal
we carve the names
of the remembered and deeply loved
on the side of a tree
on canes
on conch shells and bamboo instruments
on coconuts and pots.
Misspelled, yes,
but touch them and they truly are
the unfortunate chronicles
in the gaps between these letters—
burrowing into calluses and nails
like scales, spleens, and gills.
They truly are these:
the orphaned; the befuddled;
the anxious and sleepless;
the murdered while asleep;
the felled because already awakened
and to others are the awakeners.
Misspelled
we carve each syllable
of our memories and prayers
on the open post
on stairs
on windows and tables
on bamboo benches and beds.
Misspelled but true
and no longer atrace
oflesions, scrawls, and smudges;
no longer a brief half-consciousness.
These are the solid sores
of our found nightmares:
ruptures on lips and palates;
naked wound on the face;
fresh cut on the forehead;
tear in the stomach of a mother
who devoured daggers
because there was nothing else to eat.
si dr. bobby dela paz na pinatay sa samar nasa column ni mike tan sa inquirer.
ReplyDeletesi jonas burgos 4 yrs nang desap.
sina eden marcellana at eddie gumanoy anibersaryo rin ng pagkamatay nitong kailan.
si james balao...
marami pang iba!