Saturday, September 3, 2011

Sulat para kay Leonilo Doloricon


Doloricon’s unprecendented opulence.. perharps, a new peak in his artistic development. Never has he been so gaudy in dressing up (or baring naked) his symbolisms as he is now with his cornucopia of insects and worms, women’s beasts and breast-sucking mutants, pig-headed politicians and generals, dogs and crocodiles, beer bottles and viands, etc. Doloricon renders the whole point of class conflagration concise; by being excessive, he gives korupsyon – bureaucrat capitalist greed, the rape of women and nature – its poetic truth; by being redundant, an irreversible struggle for that almost proverbial radical change he indeed incites.

Soon enough the senses are incited once more upon cognition of the much larger ghoulishness: American Imperialism, as represented by the All-American grin of the Kennedy/Clinton hybrid; Bureaucrat Capitalism, in the person or non-person of the sucker, and as most aptly allegorized in the battered psyche of the molested woman herself, or in the act itself of draining her fertility dry, Feudalism.

Such is the method of Doloricon’s vision. He presents a series of vistas at once penetrating and encompassing. He teases us with details – up to the most absurd, oftentimes banal fraction – while agitating us to come to terms with a disturbingly expansive and unified whole. Never have Doloricon’s works proven acute this uncanny yet unwavering balance in the interplay of the microscopic and the macroscopic. Never too has this sophistication, this dialectics of zooming in and zooming out, been thoroughly expounded in the noble business of Social Realism.

-From Ericson Acosta’s review of Neil Doloricon’s show “Korupsyon” at the Hiraya gallery, published by the Manila Times, November 15, 1995.


June 30, 2011

Ka Neil Doloricon,

Sa pagitan ng kalat-kalat na mga ideya at marurusing na tala’t drowing sa mga notbuk ko’t hiwa-hiwalay na papel, kinukuha ko ang patlang at pagkakataong ito para magpasalamat sa lahat-lahat ng inyong suporta. Maaring sabihin na natural na lang para sa atin ang magtulungan pagkat personal tayong magkakakilala, at sadyang nagkukurus ang mga landas bilang mga artista at aktibista. Kung minsan kapag napapatitig ay parang nakasabit na rin sa pader nitong selda ang nakakwadrong “Tikbalang” na iniregalo ninyo sa kasal namin ni misis.

Natural na susuporta sa isang tulad ko ang tulad ninyo na isang makabayang artista at aktibista. Laluna siguro at halos sariwa pa ang inyong karanasan bilang kapamilya, asawa, ng isang detenido pulitikal na nakabilang sa “Morong 43.”

Naiisip ko lang minsan ang mga pangyayari. Naiisip ko kung paano nag-aambag ang mga nito sa inyong makulay na karanasan mula sa pagiging estudyanteng aktibista, at sa paglao’y pagiging manggagawang pangkultura. Kung paano nito higit na pinatatag ang inyong pundasyon bilang organisador sa kilusang paggawa, bilang isa sa mga haligi ng social realism, bilang isa sa mga pangunahing editorial cartoonist sa bansa, bilang edukador na minsa’y naging dekano ng FA*… Ang pagkiling ninyo para sa mga bilanggong pulitikal at sa isyu ng karapatang pantao ay dagdag pa sa masugid ninyong pagsuporta sa mga organisasyong masa ng mga aktibista at manggagawang pangkultura, na nasaksihan ko mismo mula sa inyo sa kampus noon.

Naalala ko lang na nagpang-abot din naman tayo sa Manila Times noon pero noon ay hindi tayo nagkakakwentuhan o kahit nagkakapansinan man lang. Medyo may hinala pa nga ako na pwedeng nagulat na lang kayo na malaman na aktibista pala ang nagsulat ng rebyu sa isang exhibit ninyo sa Hiraya** noon.

Hindi ko malimutan ang isang pangyayari noong kasagsagan ng Edsa Dos. Nagplanong magkaroon ng isang Erap Resign mural ang mga pioneer social realist painters kasama kayo at sina Egay Fernandez at Boy Dominguez. Nakagawa kayo ng isang mabangis at matamis na mural kasama sila at iba pang myembro noon ng Artists’ Circle sa FA. Napakahusay noon hindi lang dahil sa bangis ng mismong gawa, kundi dahil na rin nagkaroon muli ng isang kolaborasyong likha ang social realist painters matapos ang kung ilang taon o dekada pa nga yata.

Sa isang rali, kami noon sa CAP*** ang namahala sa mga materyales. Pero dahil sa frantic na moda ng pagta-transport ng mga tao, flags, prop materials at iba pang parapernalya sa isang malaking mobilisasyon na dumaan sa Mendiola at Liwasan – nawala ang mural! Nawala! Binalik-balikan ang mga dyip, garahe o bodega ng mga opisina na pwedeng napaglagyan ng mural matapos ang rali, pero ang bukod-tanging naisalba lang pala talaga ay ‘yung mural ng Sinagbayan.

Gusto kong matunaw habang humihingi ng dispensa nang magkita tayo ulit sa isang aktibidad sa UP. Pero tinanggap n’yo naman agad ang paliwanag at ‘di na pinalaki pa ang isyu. Ganun din ang naging attitude ni Boy Dominguez nang humingi ako ng sorry sa kanya nang magkita kami sa Risiris.

Gusto ko sanang ipaskil kasama ng sulat na ito ang isang bahagi ng isinulat kong artikulo sa Manila Times, ‘yun na ngang rebyu ng isa ninyong exhibit. Kung sakaling may clippings kayong mahanap ay padalhan nyo rin sana ako ng kopya. Naaalala ko na may bahagi roon tungkol sa appreciation sa mahuhusay pero humble, mapagpakumbabang mga artista ng bayan.

Ang artista’y may kakayanan, kundi man tahasang responsibilidad, na mag-analisa, manindigan, at maging makabuluhan. Gaya ng naipakita ninyo sa groundbreaking na trabaho sa social realism, kartun, graphic design, at iba pang inobatibong anyo na patuloy na umuunlad, ang paninindigan ay nagbubukas ng napakaraming malikhaing posibilidad para sa isang artista. Ganun din ang nakikita ko sa iba pa nating kasamahan at kapanalig na mga aktibistang pintor at artista, nagkaroon man sila ng “pangalan” o nanatiling walang mukha. Tulad ninyo’y walang humpay sa paglikha, habang nananatili ang pagpapanday sa talino at sigasig, nananatili ang kababaang-loob.

Laging ipinupukol sa atin na ang ating pulitika ay nagpapakupot, naglilimita o nagpapakitid sa sining. Pero sa halip, dahil na rin sa halimbawa ng mga tulad ninyo, malinaw na malinaw na ang paninindigan para sa masa at sambayanan ay nagbibigay ng tiyak na direksyon upang yumabong at magpakahusay -- di lamang sa sining kundi maging sa iba’t ibang larangan ng gawain. Sining na matalas at matining ang nagliligtas sa atin mula sa makasariling tendensya at eklektikong pagkabalaho. Ang halimbawa ng mga artistang tulad ninyo ay inspirasyon at lakas upang patuloy na lumikha at magpursige maging sa pinakagipit at malupit na kalagayan.

Mabuhay kayo!

Ericson

"Tikbalang" (Artist's Print) Leonilo Doloricon

-------------

* FA- Fine Arts (UP College of Fine Arts)

**Hiraya art gallery

***CAP – Concerned Artists of the Philippines

2 comments:

  1. Hi erikson,malungkot na nakakainspire na nangyayari sa iyo,kumustahan na lang muna,sa akin naman ang mga ganyang panyayari tulad nga noong pagkawala ng Mural ay tinuturing kung isang pagkakataon na naging paraan o tulong para di malimutan ang mga pangyayari,tulad din sa mga watering holes/tambayan namin natin noon sa Heritage gallery,Lantana,Sct.Ybardolaza,Sarah's,Gulod,PCED,Wings,Quezon ave,70sBistro,Drums Cafe,Inka,Crowded House likod ng Vinzon,Kasalo,Tumbang Preso Cafe,Blind Tiger Resiris,kamuning atbpa. na kung walang debate o kayay away na naganap ay hirap maalalala na kung saan lugar at sinong mga kasama ang nandun kapag napag usapan muli hehehe.Ang mahalaga sa akin ay na i share ang Mural kahit man lang sa level ng walang pag aatubili't kusang pinahiram sa isang org na kaalyado at kahit ano ang mangyari ay di naging sagabal sa mga pagkilos at bagkos ay napagkukunan ito ng mga aral.Mabuhay ka Ericson! at pagpasensyahan mo na kung anoman ang konting maiambag ko bilang pintor sa Free EricsonAcosta campaign,sa muli nag aantay at maraming salamat Boyd.

    ReplyDelete
  2. To Mr. Ericson Acosta, you are inspirational! Don't lose hope, don't let go and be very brave. We support your cause & we will continue to pray for your freedom. In the end, the truth will prevail! God bless.

    ReplyDelete