USOK
Sa pagitan
ng naghilerang mga patak
ng ambon
ay sampaguita
kundi man dahon
ng sambong
sa pagitan
ng nakalugay sa gubat
na mga baging
ay mayro’ng kalaw
na kumakampay
sa hangin
at sa pagitan
ng mga alaala kong ito
ay nagpapakilala nang husto
ang ngayon
ngayon ay bumabagyo
at itong aking
puso ay lubog
ngayon sa mga mata ko
ay nakatabing
ang aking buhok
at ang usok ng sigarilyo
at pahina ng kalendaryo
haya’t tiyak na tumatakas
sa pagitan ng mga rehas
Sa pagitan
ng naghilerang mga patak
ng ambon
ay sampaguita
kundi man dahon
ng sambong
sa pagitan
ng nakalugay sa gubat
na mga baging
ay mayro’ng kalaw
na kumakampay
sa hangin
at sa pagitan
ng mga alaala kong ito
ay nagpapakilala nang husto
ang ngayon
ngayon ay bumabagyo
at itong aking
puso ay lubog
ngayon sa mga mata ko
ay nakatabing
ang aking buhok
at ang usok ng sigarilyo
at pahina ng kalendaryo
haya’t tiyak na tumatakas
sa pagitan ng mga rehas
No comments:
Post a Comment